What are hypertension and what tips on how to prevent hypertension?
Ang hypertension o altapresyon ay ang labis na pagtaas ng Blood Pressure (BP) ng isang indibidwal. Ito ay isang seryosong kondisyon na maaaring magdulot ng komplikasyon tulad ng stroke, atake sa puso, kidney failure at aneurysm. Ang kondisyon na ito ay maaaring lumubha o magdulot ng kamatayan kapag hindi naagapan.
Noong buwan ng mayo, ginunita natin ang Hypertension Awareness Month, ang Kagawaran ng Kalusugan ay muling nagpapaalala na mahalagang makontrol ang inyong altapresyon. Narito ang ilan sa mga dapat gawin upang makatulong:
.1 Kumain ng masusustansyang pagkain tulad ng prutas at gulay. Bawasan ang pagkonsumo ng maaalat, matataba at mamantikang mga pagkain.
2. Ugaliing mag-ehersisyo na hindi bababa sa 30-minuto araw-araw.
4. Inumin ang mga gamot para sa altapresyon na ayon sa reseta ng doktor.
Laging tandaan na ang ibang mga karamdaman katulad ng dyabetis at high cholesterol ay nakakapagpagpalala ng altapresyon, kaya dapat ito ay mapagtuunan din ng pansin. Sa tulong ng generics, ang mga gamot para dito ay mas pinaabot-kaya sa ating mga Pilipino na mabibili sa iba't- ibang ospital at pangunahing botika sa bansa.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa inyong mga gamot, maaaring komunsulta sa doktor o parmasyutiko sa mga botika na malapit sa inyong lugar.
#DOH #Health #KagawaranNgKalusugan #OneDOH #DrugPriceWatch #HighBlood
Comments
Post a Comment