Skip to main content

Posts

Showing posts with the label Rescue

Watch Rescue: Pagbagsik ni Pedring!

Panoorin ang pakikibaka ng ilang mga Pinoy sa "Bagsik ni Pedring" sa Rescue kasama si Arnold Clavio! Huwebes ng gabi, mamaya, pagkatapos ng Saksi. Noong Lunes, ginunita ang ikalawang taong anibersaryo ng paghagupit ng bagyong Ondoy. Kinabukasan, panibagong banta ng delubyo ang nanalasa sa bansa sa pagdating ng bagyong Pedring! Pinakahinagupit nito ang mga probinsiya ng Ilocos Sur, La union, Benguet at Pangasinan. Pero hindi rin nakaligtas ang Metro Manila ang iba pang mga karatig lugar sa bagsik ni Pedring. source:gmanews

"Hazing" at "Gapos" in Rescue

Abangan mamayang gabi sa Rescue pagkatapos ng Saksi: "Hazing" at "Gapos" sa Rescue. Sariwa pa ang maiitim na pasa sa binti ng dalawang kabataang babae na dinala sa Barangay hall ng Parola, Tondo. Ito ay matapos silang paluin ng kanilang lider sa isang hazing. Mismong magulang ng biktima ang humingi ng saklolo dahil na marahas na sinapit ng anak. Pero nang rumesponde ang barangay, riot ang naganap matapos rumesbak ang mga taumbayang nagpupuyos sa galit. Notoryus na raw kasi ang naturang gang sa panggugulo sa kanilang lugar. Paano masusugpo ang karahasan sa mga kabataang minsang naghangad ng tunay na kapatiran?