Skip to main content

Posts

Showing posts with the label Pnoy

President Aquino Message for the New Year 2013- Video and Transcript

Watch President Aquino Message for the New Year 2013- Video and Transcript. FULL TRANSCRIPT: courtesy of Official Gazette Mensahe ng Kagalang-galang Benigno S. Aquino III Pangulo ng Pilipinas Para sa Bagong Taon 2013 [Ika-31 ng Disyembre 2012] Kaybilis po talaga ng panahon: Ito na po ang ikatlong bagong taon na ipagdiriwang ng sambayanan sa tuwid na daan. At hindi po maikakaila: sinasalubong natin ang bawat pagpapalit ng taon, nang may matibay na pag-asa, at kompiyansang mas magiging makabuluhan, at higit na makahulugan ang mga susunod pang taon sa landas ng tapat at mabuting pamamahala. Ang taong 2012 ay parehong panahon ng pagsubok at tagumpay. May ilan mang lubak sa ating paglalakbay; may mga pilit mang humadlang sa ating mga positibong hakbang; nanaig pa rin ang adhika nating ituwid ang baluktot na sistema, at baguhin ang dinatnan nating kalagayan ng bansa. Kung dati, milyun-milyong tonelada ng bigas ang nabubulok sa mga warehouse dahil sa maling pamamalakad, ngayon, dahil sa taman...

Pnoy SONA 2011 Live Online Stream

Watch the Second SONA of His Excellency President Benigno Simeon “Noynoy” C. Aquino III live stream online. The State of the Nation Address (SONA) 2011 will be delivered by "PNoy" on Monday, July 25, 2011, at the Batasang Pambansa Complex, Quezon City at around 3:00 PM or 4:00 pm. There will be a live coverage from different TV Station in the Philippines. Here you can find a live stream link and or embed Live Stream as being made available from a third party source. So keep on visiting this page for the SONA Update. The full transcript of PNoy's SONA 2011 speech will be posted here soon as it becomes available online. UPDATE:   President Aquino's SONA 2011 has been concluded. Read the full text transcript of Pnoy's SONA, click  here!

The First 100 Days Message of President Benigno S. Aquino III

Message of His Excellency Benigno S. Aquino III President of the Philippines On The First Hundred Days of his Administration [October 7, 2010, La Consolacion College, Manila] Isandaang araw po ang nakalipas, nagpanata ako sa taumbayan: Hindi ko tatalikuran ang tiwalang kaloob ninyo sa akin. Ang nakalipas na isandaang araw ang magsisilbing tanda ng ating paninindigan. Malalim at malawak po ang mga problemang minana natin. Nag-ugat ito sa isang gobyernong parang tatlong matsing na nagbingi-bingihan, nagbulag-bulagan, at gumawa ng sariling katotohanan. Mali po ito. Ngayon, mayroon na po kayong gobyernong handang makipag-usap at magsabi ng totoo; handang makinig sa makabuluhang usapan; handang iangat ang antas ng pampublikong diskurso ukol sa mga isyung makaaapekto sa ating lahat, at maging sa mga darating na henerasyon. Ang natamasa po natin ngayong unang isandaang araw ng ating panunungkulan: Mayroon na po kayong gobyernong hindi kayo binabalewala o inaapi. Bumalik na po ang kumpyansa sa...