Skip to main content

President Aquino Message for the New Year 2013- Video and Transcript

Watch President Aquino Message for the New Year 2013- Video and Transcript.



FULL TRANSCRIPT: courtesy of Official Gazette



Mensahe

ng

Kagalang-galang Benigno S. Aquino III

Pangulo ng Pilipinas

Para sa Bagong Taon 2013



[Ika-31 ng Disyembre 2012]



Kaybilis po talaga ng panahon: Ito na po ang ikatlong bagong taon na ipagdiriwang ng sambayanan sa tuwid na daan. At hindi po maikakaila: sinasalubong natin ang bawat pagpapalit ng taon, nang may matibay na pag-asa, at kompiyansang mas magiging makabuluhan, at higit na makahulugan ang mga susunod pang taon sa landas ng tapat at mabuting pamamahala.



Ang taong 2012 ay parehong panahon ng pagsubok at tagumpay. May ilan mang lubak sa ating paglalakbay; may mga pilit mang humadlang sa ating mga positibong hakbang; nanaig pa rin ang adhika nating ituwid ang baluktot na sistema, at baguhin ang dinatnan nating kalagayan ng bansa.



Kung dati, milyun-milyong tonelada ng bigas ang nabubulok sa mga warehouse dahil sa maling pamamalakad, ngayon, dahil sa tamang pamamahala, hindi na lamang rice self-sufficiency, kundi ang pag-eexport ng matataas na klase ng bigas ang habol natin pagdating ng 2013.



Ang minana natin mula sa ating sinundan: 66,800 na kakulangan sa silid aralan. Ang pamana ng tuwid na landas sa mga kabataan: sapat na classroom, sapat na mesa’t upuan, sapat na aklat, para sa kanilang mas mayamang kinabukasan.



Matagal rin po tayong binansagang “Sick Man of Asia.” Subalit dahil sa pambihirang arangkada ng ating ekonomiya, sunud-sunod ang mga namumuhunan sa ating bansa. At mukhang magpapatuloy ang ganitong kompiyansa ng mundo sa atin: ang 7.1 percent na pag-angat ng GDP nitong 3rd quarter, ay higit sa inaasahang target ng mga dalubhasa, at siyang pinakamataas sa buong Timog Silangang Asya.



Hindi lang po rito natatapos ang pagbuhos ng mabubuting balita, tagumpay at biyaya sa bansa. Mula sa patuloy na pagangat ngall time high ng Philippine Stock Exchange, hanggang sa pagpapanday ng pangmatagalang kapayapaan sa Bangsamoro; Mula sa pagliwanag ng libu-libong mga sitio, hanggang sa pagkakapasa ng ilang makasaysayang batas; mula sa pagpapantay sa timbangan ng katarungan, hanggang sa kahandaan at bayanihan ng sambayanan sa harap ng mga pagsusungit ng kalikasan, pinapatunayan natin sa buong mundo: basta’t handa tayong gawin ang tama’t magsakripisyo para sa ating kapwa; basta’t sumasagwan tayo nang sabay sa ngalan ng sambayanan; walang pangarap na hindi kayang abutin ang ating bansa.



Simula lamang po ito. Sa totoo lang po, ang kaisa-isang limitasyon natin sa tayog ng ating mararating ay ang ating ambisyon. Nasa pagtutulungan at tiwala natin sa isa’t isa ang susi ng tagumpay. Ang 2013 ay kritikal na yugto sa ating krusada ng pangmatagalang kaunlaran at tuwid na pamamahala. Ngayong bagong taon, mas maigting na pagkakaisa ang kailangan. Umaasa akong magiging mapanuri ang taumbayan sa pagkilatis ng mga itatalagang pinuno.



Ang mga pinunong ito ang tutugon sa panawagan nating isulong ang dangal at katapatan sa paglilingkod-bayan; Ang mga pinunong ito ang aasahan nating didilig sa mga repormang ating ipinunla.



Kaya naman mahalaga ang ating paninindigan at pagtitimbang kung saang direksyon tutungo ang ating bansa: Sabay-sabay ba tayong sasagwan patungo sa landas kung saan nangingibabaw ang kapakanan ng Pilipino? O hahayaan lang natin na muling matangay ang Pilipinas sa mga daluyong ng panlalamang, pagkakanya-kanya’t kurapsyon?



Ang aking hiling ngayong ngayong 2013: ituloy lang natin ang bayanihan. Kapit-bisig tayong humakbang tungo sa maliwanag at masaganang kinabukasan ng ating bayan.



Muli po, kasama po ninyo akong umaasa na ang ating bagong taon ay ‘di hamak na mas maganda sa nakalipas na taon.





Meanwhile here's one of the many good comments for the video on YouTube:



"bluenote1184 6 hours ago

sa totoo lang maraming nagbago sa pamamalakad ni Pnoy nagyung taon compare sa nakaraang administrasyon, kitang kita ang pa unti unting pag unlad ng Pilipinas sa buong Asya. kung pwede lang sana siya na ang magpalakad ng bansa sa buong panahon at hindi na mapapalitan ang presidente natin mas gugustuhin ko.... saludo ako sa administrasyon ngayun kahit mga gabinete niya lahat kumikilos sila sa ikabubuti ng bansa wala talaga ako masabi sa kasalukuyang adm

inistrasyon, proud ako sa kanya...."



Comments

Popular posts from this blog

‎BUBBLE GANG ALL-TIME FAVORITES No.12: the Sexballs

Here are the No. 12 Bubble Gang All Time hits installment-countdown for their 16 years anniversary. 12 days na lang bago ang 16th anniversary ng Bubble Gang! Balikan natin ang mga makukulit, nakakatawa, at memorable sketches ng inyong paboritong comedy show! Watch as the Sexballs perform Buy Me. #bubblegang16 malapit na! <p><p><a href='http://www.igma.tv/video/1460/Bubble-Gang-Buy-Me-by-the-Sexballs'>Bubble Gang: Buy Me by the Sexballs</a></p></p>

Kapuso Mo Jessica Soho: Little Superstars!, Forever Young?, Char Dance!, Macapuno Fiesta! and Twins Academy

Watch Jennifer of Munting Heredera on Kapuso Mo Jessica Soho this Saturday, August 6, 2011. Little Superstars: Kahit may gatas pa sila sa labi, hindi na matatawaran ang kanilang galing at talento! Ang mga batang bida at kontrabida sa GMA hit telenobelang ‘Ang Munting Heredera’ na sina Mona Louise Rey at Barbara Miguel, mga future dramatic stars. Samantalang ang 8 years old namang si Miko Andres sa target shooting bumibida! Watch this Saturday: Little Superstars!, Forever Young?, Char Dance!, Macapuno Fiesta! and Twins Academy on your favorite Saturday magazine show ' Kapuso Mo Jessica Soho.'

BUBBLE GANG ALL-TIME FAVORITES No. 6 Don't Eching Me

Here's the Bubble Gang All Time Favorites countdown to Bubble Gang 16 Year Anniversary. 6 days na lang bago ang 16th anniversary ng Bubble Gang! Balikan natin ang mga makukulit, nakakatawa, at memorable sketches ng inyong paboritong comedy show! Ano ang gagawin ng isang reporter once he becomes the subject of scrutiny? Sweat is about to find out! #bubblegang16 malapit na! <p><a href='http://www.igma.tv/video/10685/Bubble-Gang-Manong-Reporter-Don&039t-Eching-Me'>Bubble Gang: Manong Reporter, Don't Eching Me</a></p> video credit:iGMA.tv

Julie Anne San Jose First Major Concert Details

Watch Julie Anne San Jose's First Major Concert. The announcement was done in Party Pilipinas. More details will be posted here once it becomes available online. Congratulations in advance to Julie Anne San Jose! Meanwhile, Julie Anne San Jose's self-titled album just turns Platinum. Kapuso pop star and singing sensation Julie Anne San Jose launched her first solo recording album on the on August 15, 2012 and after almost 5 months it turns Platinum already. The album is entitled “Julie Anne San Jose” and contains 10 tracks (originals and covers). The carrier single of Julie Anne’s album is “I’ll Be There.” The album is under GMA Records. UPDATE: Julie Anne's first major concert will be held at the Music Museum on April and her first concert in USA on May. 

Tutorial on How to Embed Poll on your Website and Blog

Poll is a great way on engaging our site visitors. I have tried a lot of poll applications but Straw Poll is one of the easiest and most free polls you can get.  Straw Poll designed its poll maker to be as easy and intuitive to use as possible. At the same time, they are constantly optimizing the workflow of creating online polls. Create a poll: Choose a title, a set of answer options and some basic settings. Share your link: Invite participants by sharing your StrawPoll link. After creating a poll. Scroll down below to share your poll on Social Media or your blog/website. Click embed and copy the code. Now go to your Blog and create a new post. Click HTML View and paste your code. Watch our video tutorial on  How to Embed Poll on your Website and Blog and please subscribe to our YouTube Channel for more tutorials. .

How to Received Maynilad Water Bill on your Mobile?

Getting your Maynilad Water bill on you mobile is the best way to monitor your bill and paid it instantly with GCash.. Gusto mo bang makuha ang Maynilad bill mo sa iyong phone? I-text lang ang MAYNILAD <SPACE> BILL <SPACE> CONTRACT ACCOUNT NUMBER at i-send sa 0919 1626 000 para makuha ang inyong latest bill. No need to register! Meanwhile, here are the Dam Water Levels as of September 4, 2023, 5 a.m. as issued by Maynilad.   Angat Dam: 202.22 meters mula 198.11 meters noong nakaraang linggo (mas mataas sa minimum operating level na 180 meters)   Ipo Dam: 101.04 meters mula 100.07 meters noong nakaraang linggo (mataas ng bahagya sa maintaining level na 101 meters)   Dala ng mga pag-ulan sa Angat Dam nitong nakalipas na mga araw, unti-unting tumataas ang water elevation sa nasabing dam. Suspendido pa rin ang scheduled daily water service interruptions sa ilang bahagi ng Caloocan, Malabon, Manila, Navotas, Quezon City at Valenzuela hanggang sa susunod na abiso. ...

Maya Account was Declined- What to do

 What to do if your Maya Account is declined or put on hold? Maya might detect some unusual transactions  on your account that the system will automatically put your account on hold. Maya uses enhanced security measures for your protection. If your account has been put on hold, please email the following to secure@maya.ph with the subject Account Reinstatement - Your Full Name (e.g., Account Reinstatement - Juan dela Cruz): Your Maya account number and the reason for your request to reinstate your account A primary ID A selfie while holding the same primary ID We’ll send you a confirmation once we receive your email. In most cases, we’re able to resolve account reinstatement requests within seven business days after receiving all the requirements. We’ll let you know if we need more time to process yours. If you encounter any issues or need more information, please call our support team. Visit our Contact Us page for details. Examples of primary IDs and government-issued IDs ...

Christmas Toys and Collectible Fair 2023 Schedule

 Get ready with yet another exciting Toy Conference for the upcoming Holiday Season 2023. Attention all TOYCON friends.! Get ready for the longest-running Christmas Toys / Pop Culture Event happening on December 15-17 ,2023 at the SM Megamall Halls. We are thrilled to announce that this 16th year we will have a bigger venue covering SM Megatrade Halls 1-2-3. Expect a lot of surprises coming this Christmas. With three Halls being occupied, this year promises a lot of exciting collectibles and fun activities within the venue. Exhibitor registration will start in October. Pls. do watch out for further announcements. ** Thank you to John Eugene Avila aka JEAA for the wonderful teaser poster #CHRISTMASTOYFAIR #TOYCON