Skip to main content

Posts

Showing posts with the label Day Off

Isabel Oli at Arnold Aninion as 'Tubo Rangers on 'Day Off'

Sa malawak na tubuhan ng Nasugbu, Batangas, ating nakilala ang Day Off winner for this week, siya si Kuya Mario Aberos. Tubong Bicol si Kuya Mario, iniwan panandalian ang asawa't mga anak sa probinsiya, para tiisin ang init at pagod sa tubuhan upang makapagbigay ng panustos sa pangangailangan ng pamilya. Kaya to the rescue ang Day Off, para masuklian ang kaniyang kasipagan at dedikasyon sa trabaho! Ang papalit kay Kuya Mario sa tubuhan, ang kapuso-star, Isabel Oli at makakasama niya ang isang hunk ng Survivor Philippines Season 4- Arnold Aninion para harapin ang kanilang hamon bilang Magtutubo. Malagpasan kaya ng dalawa ang challenge ng paggapas ng tubo at tumagal sa initan ng araw? Alamin kung magiging sweet-fully success ang misyon ng dalawa sa tubuhan! Samantalang, samahan sina Pekto at Kuya Mario sa kaniyang mga panalong sorpresa, shopping galore sa city, negosyo package at family reunion na galing pa sa Bicol na mahigit 6 na buwan na niyang hindi nakikita. Abangan lahat