Abangan mamayang gabi sa Rescue pagkatapos ng Saksi: "Hazing" at "Gapos" sa Rescue.
Sariwa pa ang maiitim na pasa sa binti ng dalawang kabataang babae na dinala sa Barangay hall ng Parola, Tondo. Ito ay matapos silang paluin ng kanilang lider sa isang hazing.
Mismong magulang ng biktima ang humingi ng saklolo dahil na marahas na sinapit ng anak. Pero nang rumesponde ang barangay, riot ang naganap matapos rumesbak ang mga taumbayang nagpupuyos sa galit. Notoryus na raw kasi ang naturang gang sa panggugulo sa kanilang lugar.
Paano masusugpo ang karahasan sa mga kabataang minsang naghangad ng tunay na kapatiran?
Comments
Post a Comment