'Pahiram ng Isang Ina' is the newest soap on GMA-7's drama-rama sa hapon starring your favorite tween stars Jake Vargas and Bea Binene. The soap will be directed by Joel Lamangan.
Isa na namang programang de-kalibre at pampamilya ang handog ng GMA Networksa patuloy nitong pamamayagpag sa Philippine TV. Sa August 15, mag-uumpisa na ang Pahiram Ng Isang Ina sa undefeated afternoon block ng GMA 7!
Isa na namang programang de-kalibre at pampamilya ang handog ng GMA Networksa patuloy nitong pamamayagpag sa Philippine TV. Sa August 15, mag-uumpisa na ang Pahiram Ng Isang Ina sa undefeated afternoon block ng GMA 7!
Tampok sa Pahiram Ng Isang Ina ang pagbabalik ni
Carmina Villarroel sa paggawa ng drama. Siya ang gumaganap bilang pangunahing tauhan na si Emily.
Maging si Maxene Magalona na isa sa mga paboritong bida sa afternoon block ay napapanood din sa naturang drama. Bilang Andrea, na mapag-arugang pinsan ni Emily, si Maxene ay muling nakikipagtambalan kay Marco Alcaraz na gumaganap bilang Ryan, ang kasintahan ni Andrea.
Samantala, hinaharap naman ng tweens na sina Bea Binene at Jake Vargas ang hamon sa pagkakaroon ng sarili nilang programa. Bilang Berna at Luke, nag-aagawan sila sa pagmamahal at atensyon ng iisang ina.
Ang Pahiram Ng Isang Ina ay tungkol sa buhay ni Emily, isang mabuti at matagumpay na negosyante. Sabik siyang magkaroon ng pamilya dahil siya ay lumaking ulila sa mga magulang. Subalit, dahil sa hindi magandang karanasan, hindi niya magawang magtiwala sa mga tao liban sa kanyang mga kasambahay.
Nang makilala ni Emily ang magkapatid na Berna at Andoy (Martin Delos Santos, nakaugnay siya sa mga ito dahil tulad niya ay ulila rin ang dalawa. Para naman sa magkapatid, si Emily na marahil ang sagot sa dasal nilang magkaroon ng ina.
Minsan, may dumukot kay Emily at nalagay ang kanyang buhay sa panganib. Sina Berna at Andoy ang nakakita sa kanya at tumulong upang madala siya sa pagamutan. Dulto gn trauma sa nangyari, naging tulala si Emily at hindi makapagasalita. Palagi siyang dinadalaw ng magkapatid at hindi nila itinatanggi tuwing napagkakamalan silang anak ni Emily.
Nang malaman ni Andrea ang pagpapanggap na ito, sinuportahan pa niya sina Berna at Andoy. Umaasa siyang makakatulong ang pagmamahal ng dalawa sa paggaling ng kanyang pinsan.
Dahil sa kalagayan ni Emily, si Andrea muna ang namamahala sa negosyo at pag-aari nito. Labis ang malasakit niya kay Emily at madalas ay wala na siyang panahon para kay Ryan. Hinidi tuloy maiwasang isipin ng kanyang nobyo na isang hadlang si Emily sa kanilang pagmamahalan.
May hatid ding problema ang pagbabalik ng dating asawa ni Emily na si Johnny (Antonio Aquitania) at ng anak nitong si Luke. Alam ni Johnny na napamahal na kay Emily ang kanyang anak at hindi sila papayag ng nobya nyang si Eloisa (Bubbles Paraiso) na makahati nito sa mana sina Berna at Andoy.
Sa paggaling ni Emily, kailangan niyang pumili kung sino ang kanyang pagkakatiwalaan. Tatanggapin ba niya ang pagmamahal nina Berna at Andoy o ang mapanlokong pagkalinga nina Johnny at Luke?
Samantala, patuloy naman ang pakikipagkumpitensya ni Ryan kay Emily para sa oras at atensyon ni Andrea. Maipaunawa kaya ni Andrea sa nobyo na kailangan siya ng kanyang pinsan? O tuluyan na lamang ba silang maghihiwalay ni Ryan?
Kasama rin sa Pahiram Ng Isang Ina sina: Tony Mabesa bilang Carlos, abogado ng pamilya ni Emily; Jim Pebangco bilang Karyo, driver at body guard ni Emily; Shyr Valdez bilang Veron, malupit na tiya nina Berna at Andoy; Rita Iringan bilang Nenet, anak ni Veron; Mike Magat bilang Egay, asawa ni Veron; Ama Quiambao bilang Lourdes, mayordoma sa mansyon ni Emily.
Sa pagtutulungan nina Direktor Joel Lamangan at Head Writer Denoy Navarro-Punio, ipapakita ng Pahiram Ng Isang Ina na hindi kayang punan ng yaman ang kakulangan sa mahahalagang bagay tulad ng pamilya, pagmamahal at tiwala.
Ang theme song ng Pahiram Ng Isang Ina na pinamagatang "Ma'ari Ba Kitang Maging Nanay?" ay isinulat ni Jobart Bartolome at nilapatan ng musika ni Nonong Buencamino. Ito ay inawit ni Joshua Pineda na Junior Grand Champion sa 2011 World Championships of the Performing Arts (WCOPA).
Simula August 15, ang Pahiram Ng Isang Ina ay eere Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Eat Bulaga sa Dramarama sa Hapon ng GMA-7. Mapapanood din ito sa U.S., Canada, Middle East, Europe, at Asia Pacific sa GMA Pinoy TV simula August 17. --Text and photo courtesy of GMA Network.
Comments
Post a Comment