Good news KABAYAN!
Natapos na ng ating DMW Technical Team ang system at maintenance upgrade sa DMW Mobile App – OFW Pass. Simula ngayong ang One-Time Password (OTP) authentication ay ipadadala na sa inyong registered email.
Maaari na nating ipagpatuloy ang PILOT TEST RUN sa PILIPINAS at sa mga sumusunod na bansa. Pakihanda na rin ang nakasaad na ID requirement para sa pag-proseso ng OFW Pass.
1. Kingdom of Saudi Arabia (KSA) – entry Visa, valid IQAMA
2. United Arab Emirates (UAE) – Residence Card o Emirates ID
3. Singapore (SG) – Work Permit SPass o EPass
4. Hongkong (HK) – ID Card, Permanent ID Card
5. Malaysia (MY) – ID Card, Permanent Residence Card
Dagdag na good news! Kasama na rin ang mga bansang ito:
6. Qatar – Residence Permit, Visa
7. Oman – ID Card, Residence Card
8. Taiwan – Alien Resident Card
9. Japan – ID Card, Residence Card, Visa
10. United Kingdom (UK) – Biometric Residence Permit (BRP) for work Visa holders, Residence Permit Visa
Kabayan, paalaala lang po. Dahil dumami na ang bansang kasama sa PILOT TEST Run ng DMW Mobile App, maaaring makaranas pa rin ng kabagalan sa response time.
Hiling pa rin namin ang inyong pang-unawa habang ipinabubuti pa namin ang response time. Alam naming gusto-gusto na ninyong ma-testing ang Mobile App at OFW Pass.
Iparating sa amin sa DMW ang inyong feedback at suhestiyon habang isinasagawa natin ang PILOT TEST RUN ng DMW Mobile App – OFW Pass.
e-mail: ofwpass@dmw.gov.ph
FB at Messenger: https://www.facebook.com/dmw.gov.ph
WhatsApp at Viber (call | SMS):
+63 908-326-8344
+63 927-147-8186
+63 920-517-1059
Maraming salamat at ingat palagi Kabayan!
#DMW #TahananNgOFW #ofwpass
Comments
Post a Comment