Skip to main content

Sec. Mar Roxas endorsed by President Aquino for 2016 Presidential Election


President Aquino's speech endorsing Mar Roxas' presidential bid.












Talumpati
ng
Kagalang-galang Benigno S. Aquino III
Pangulo ng Pilipinas
sa pagtitipon sa Kalayaan Hall, Club Filipino


[Inihayag sa Kalayaan Hall, Club Filipino, Lungsod San Juan, noong ika-31 ng Hulyo 2015]


Napaka-energized n’yo, ‘no? [Tawanan at palakpakan] Kanina ho binabanggit ko kay Mar ‘yung ating choir. ‘Yung mga bata kung nakita ninyo, ang dating, very professional. At saka ‘yung kantang pinili, lalo na sa prayer, medyo malapit ho sa puso ko ‘yan, tulad ng pagiging bukas-palad. Kinakanta ko ho iyan kapag pikon na pikon na ako kung sinoman ang kausap ko. Talaga hong nakakakalma. [Tawanan] Siyempre, nadagdagan pa nitong atmosphere natin. Ang ganda, nakikita nating marami sa inyo ang tagal ko nang di nakikita, o bihira nating nakikita. Siyempre, ‘yung mga bata katulad ni Karina David; [tawanan] mga mas bata katulad ni Pidi Barzaga, nandiyan sa gilid; [tawanan] at ‘yung mga tulad na bata tulad ni Anton; at talagang marami sa inyong lahat na talagang nakasama natin lalo na sa pinakamadilim na panahon ng paglalakbay.


Bumalik tayo sa hall na ito na talagang naging testigo sa napakaraming dinaanan natin. Noong panahon na tinatawag tayo ni Joker Arroyo na kakasya sa Volkswagen Beetle, hanggang sa ngayon na kakasya pa rin tayo sa mga Volkswagen Beetle. [Tawanan at palakpakan] Dahil tayo ho’y maunawain sa kapwa, kung gusto ninyo sumabay sa atin, ihahanap natin siya ng puwesto sa Volkswagen Beetle. [Tawanan]


Nandito tayo sa Kalayaan Hall ng Club Filipino, isang pribadong lugar na naging bahagi ng napakaraming mahahalagang pangyayari sa ating kasaysayan. Dito po, nanumpa ang aking ina, upang simulan ang ating pagkakamit ng pangako ng EDSA. Sa mga matagal na nating kasama sa Daang Matuwid, maaalala rin ninyong dito ko unang binigkas: Puwede na muling mangarap ang Pilipino. Ngayon naman po, nandito tayo kasama ang Partido Liberal, pati ang mga iba pang mga grupo tulad ng KOMPRE, People Power Volunteers for Reform, [palakpakan] Change Politics Movement, Urban Poor Alliance; mga partylist tulad ng Akbayan [palakpakan], YACAP, Angkla–dahan-dahanin natin itong parteng ito, baka may magalit na naman na hindi nabanggit–CoopNatco, Ateacher, ABS –’yung partylist po ah–at Append, pati na nga mga kaibigang kasapi ng NUP at NPC na mga nandito rin po sa araw na ito. [Palakpakan] Pati ‘yung isa sa iniidolo nating si Mayor Hagedorn na nandito rin, na matagal nang kasama sa Tuwid na Daan. [Palakpakan]


Marami akong binabanggit na pangalan. Alam ho n’yo nung sa SONA may mga nagsabi bakit hindi sila nabanggit. [Tawanan] Hindi ko ho kayo mababanggit lahat dahil medyo mahaba ho itong speech na ito at kailangan nating pakinggan si Mar. [Tawanan] Kaya, ako’y humihingi ng tawad ulit sa hindi nabanggit; basta kung hindi ko man kayo nabanggit ngayon, nasa alaala ko kayo. [Tawanan] ‘Yung nabanggit ko naman ay ihuhuli ko nang konti sa alaala.


Nagtitipon-tipon tayo para pag-usapan ang susunod na kabanata sa ating pagtahak sa Daang Matuwid. Noong Lunes, iniulat ko sa inyo: Talagang napakalayo na po ng ating narating. Siyempre po, may ilang tumutuligsa dito, na tila ba ang idinidiin ay bakit daw hindi tayo maka-move-on. Ang sa akin lang po: Sinusukat natin ang nalakbay ng bansa mula point A hanggang point B. Di po ba natural lang na ilatag natin ang buong katotohanan ng point A na siya nating pinagmulan?


Nakita po ninyo ang ating nakamtan: Pinatag natin ang sistema; pinapanagot natin ang mga tiwali; ibinalik ang kumpiyansa ng mundo, at ang tiwala natin sa sarili at sa isa’t isa. Pinilit ko nga pong pagkasyahin sa iilang oras ang mga tagumpay natin, pero sadyang napakarami. Pagbigyan sana ninyo akong magbahagi ngayon ng ilan pang testimonya. Alam po n’yo, ‘yung mga video na naihanda nang paspasan, 46 ang inabot. Ang ginamit po natin noong araw ng SONA, 15.  Pero meron hong mga nakaligtaan na palagay ko napakagandang dapat ibahagi din sa inyo. Panoorin po natin itong mga videong ito:


[VIDEO SEQUENCE]


Ididiin ko lang po: Ilang halimbawa lang iyan; simula pa lang ito, at napakalayo pa ng puwede nating marating. Sabi ko nga po, sa pagsasaliksik ng NEDA: Sa loob ng isang henerasyon, maaari nang maabot ang first world status. Mayroon bang kahit sino sa atin dito sa bulwagang ito ang nagsabi o nag-isip ba na magagawa natin, o mapupuntahan natin ang first world status?


Nagagalak nga ako sa lakas na ipinakita ng ating mga Boss upang ipaglaban ang mga tagumpay na ito. Sabay nito, di ko maiwasang maisip: Di po ba ito mismo—ang tamang serbisyo na nagpapalawak sa pagkakataong umasenso—ang karapat-dapat lang para sa ating mga Boss? Bakit umabot sa puntong kailangan pa itong ipaglaban? Ang kongklusyon po natin: Lahat ng mahahalagang bagay, kapag hindi mo pinaglaban, kapag hindi mo inalagaan, maaaring mawala.


Mga Boss, sa natitirang panahon ng aking termino, may dalawang napakahalagang obligasyon ako sa inyo: Una, kailangan kong siguruhing maging malinis, mapayapa, at mananatiling makatotoo at may kredibilidad ang gaganaping halalan sa 2016. Ang pangalawang obligasyon naman po ay mas lilinaw kung ipapaliwanag ko gamit ang ilang kuwento.


Nasabi ko na po sa inyo, may ilan na rin pong nagmungkahi, na para raw masigurong hindi masayang ang ating pinaghirapan, dapat daw magtagal pa ako sa puwesto. Naipaliwanag ko na po sa inyong lahat noong SONA kung bakit ako tutol dito: Ayaw nating magbukas ng pagkakataong may maghari-harian habambuhay para sa pansariling interes. [Palakpakan] Hindi po teorya ito, di ho ba’t nangyari na sa kasaysayan natin? May ilan naman din pong nagsabi: Huwag na raw ako mag-endorso ng kandidato, at maging “friend to all” na lamang. [Tawanan] Kanina ho kasi nung sinabi ni Ginoong Marañan na hihingan niya ako ng dagdag, napag-usapan ‘yung mangga ng Guimaras, saka lang ako papasubukan ng mangga ng Guimaras. [Tawanan] Ipagpatuloy ho pala. Kaya naman tayo nandito ngayon. Palagay ko po, ‘yung pagiging “friend to all,” malamang hindi rin tama ‘yan. Personal hong interes ‘yan, imbis na interes ng bansa. [Palakpakan]


Ang naging tanong: Kung ayaw mo, at kung hindi ikaw mismo ang magtutuloy, sino ang dapat pumalit sa inyo? Diin po nila sa atin: Obligasyon ko daw pong humanap ng karapat-dapat na hahalinhin at magtutuloy sa ating inumpisahan. Obligasyon kong siguruhing hindi masasayang ang lahat ng nasimulan. Pero siyempre po, noong sinasabi ng maraming tao sa akin ito, sa loob-loob ko noon po, iisa lang naman ang boto ko, gaya ng bawat Pilipino. Baka po mas tamang sabihin: Lahat tayo, may obligasyon dito. [Palakpakan]


Mayroon nga pong minsang nagpadala ng text, na noong umpisa akala ko ay tinutuligsa tayo, pero ‘yun pala sa dulo ay pinuri naman. Sabi ho kasi sa mensahe, “It’s a thankless awful job that good people in their right minds would not take on.” [Tawanan] Siyempre, isang pahina ho kaagad ng text iyon. Bakit kaya ito ipinadala sa akin? Dagdag pa niya, at dito gumanda naman ang kalooban ko, “I feel so bad for him; I know he’s trying so hard. Just want to make him know at least one person appreciates him now.” (Pinadala po ito sa kaibigan natin.) [Palakpakan]


‘Yung nagpadala po sa akin noon, hindi nakikihalubilo sa pulitika. Interes po nito ‘yung environmental issues. Never ko po nakilala itong taong ito pero minabuti niyang magpadala ng mensaheng iyon para makarating.


Sa paghahanap nga po, kinausap natin ang mga taong maaaring magpatuloy sa Daang Matuwid at ang maraming mga sektor.  Kinapanayam ko ang tatlong tao, na sa aking pananaw ay kabalikat sa Daang Matuwid. Maganda nga po sana, na ang mga kailangan pang magsanay ay talaga pong magkakaroon ng pagkakataong mahinog at maunawaan ang tunay na lalim ng pagkapinuno. Sa akin pong paniniwala, itong tatlo, kung magkakasama-sama ay talagang matinding tambalan. Doon po, sa ngayon, ay hindi pa tayo nagtatagumpay. Nagkaunawaan po kami; mukha namang iisa ang aming hangarin, pero hindi eksaktong paraan ang nasasaisip para maabot ito.


Tiwala akong mulat din kayo: Napakalaki ng nakataya para ipaubaya sa “baka sakali.” Marahil may nag-isip: Baka ‘yung iba, kayang ituloy ang nasimulan natin. Baka ‘yung iba, kayang panagutin ang mga tiwali. Baka ‘yung iba, maituloy ang pag-angat ng ekonomiya at mapalawak ang serbisyong panlipunan. Baka ‘yung iba, manatili sa tuwid na daan.


Ang sa akin lang po: Bakit tayo magpapaakit sa “baka,” kung meron namang sigurado? [Palakpakan] Liwanagin ko lang po, ‘yung siguradong tinutukoy natin, [tawanan] hindi ‘yung siguradong tiwali sa ating Daang Matuwid. So, ano ho ‘yung siguradong kinausap natin at sigurado tayo? Number 1: Siguradong may kakayahan; siguradong walang ibang Boss kundi ang taumbayan, siguradong walang ibang pinagkakautangan ng loob, siguradong walang ibang interes kundi ang bayan. [Palakpakan] Sa madaling salita po, doon na po tayo sa siguradong itutuloy ang Daang Matuwid. [Palakpakan]


At ang paniniwala ko po, ang taong ito, walang iba kundi si Mar Roxas. [Palakpakan]


Hayaan po ninyo akong magkuwento tungkol kay Mar Roxas. [Tawanan] Alam po ng marami sa atin, siya ang unang nagsikap para madala at mapalago ang BPO industry sa Pilipinas. [Palakpakan] Mula 2,400 na empleado noong taong 2000, lumago na ito noong 2014 sa isang industriyang nagkakahalagang P18.9 billion [palakpakan] na diretsuhan pong nag-eempleo ng mahigit isang milyong katao. [Palakpakan] Sabi po ni Greg Domingo, bago ako bumaba sa puwesto, 1.3 million raw po iyan. [Palakpakan] Pero palagay ko po na may nakatago pa siya doon para masabing lumampas sa pinangako. [Tawanan] Ang hindi alam ng marami: Huli nang nakasali ang Cubao sa paglago ng mga BPO dahil pinagbawalan ni Mar ang pamilya niyang mag-apply sa mga ecozone. [Palakpakan] Idiin po natin: Ang sariling pamilyang matagal nang negosyante, kinumbinsi niyang huwag makisali sa inisyatibang sinimulan niya bilang opisyal ng gobyerno. [Palakpakan] Dito po, at sa marami pang ibang halimbawa, klarong-klaro ang integridad ng isang Mar Roxas. [Palakpakan]


Sa karanasan ko po, alam kong kahit ano ang iatas kay Mar, hindi niya iniiwan hangga’t stable ang sitwasyon. Sa Zamboanga man, sa Bohol, o Leyte, kahit pa ba maputol ang komunikasyon namin dahil kay Yolanda, alam kong in good hands ang mga gawain, at hindi niya kailangang mag-abang pa ng utos upang masigurong natutugunan ang dapat tugunan. Ipaalala ko rin po: Hindi bakasyon ang pinuntahan sa mga lugar na ito. Panahon ng krisis; kailangang siguruhing nakakakain ang mga tao sa evacuation center, natutugunan ang marami pang ibang agarang pangangailangan. Nang nagpunta po kami sa Zamboanga, halimbawa, lumikha rin po—dagdag na benepisyo sa Zamboanga—lumikha sila ng bagong cottage industry ng mga labandera dahil may ilan sa aming umasa na overnight lang kami doon, at hindi nakapagdala ng sapat na damit. At wala rin hong tindahang bukas.


Ang palaisipan nga po sa atin: Sa kabila ng mga nagawa ni Mar, sa kabila ng kanyang sakripisyo, para bang may industriya talagang nakatutok sa paghatak sa kanya pababa. Sa Leyte, gusto lang niyang sumunod sa patakaran, pero itong mga kausap niyang mas mahilig mamulitika, nag-edit ng video para siraan siya. [Palakpakan] Isa pa pong halimbawa: Wala pang madaanan ng mga kotse, kaya minabuti ni Mar sumakay ng motorsiklo para makarating sa mga lugar na dapat puntahan; nang nadulas, tinuligsa pa siya. [Tawanan] Napag-isip naman po ako: Kasama kaya sa job description ng pagiging matinong pinuno ang ganito–na pipilitin mong gumawa ng maganda, pero panay pangit ang nakikita ng kumokontra? Ang hindi alam ng marami, kapag gabi at natutulog na ang media, si Mar mismo ang nagmamaneho at umiikot sa mga komunidad para tingnan kung ano pa ang dapat magawa. [Palakpakan]


Kami po sa Liberal Party, lalo na sa henerasyon namin, ay pinagdiinan  ng mga nauna sa amin at hindi kami komportableng nagbubuhat ng sariling bangko; kung mapapansin ninyo, laging “Tayo” ang tuon namin, di gaya ng ibang panay “Ako ang gumawa nito, at ako ang gumawa niyan.” Marahil, hindi rin mulat ang maraming tao sa mga nagawa at tunay na pagkatao ni Mar. Sadyang ganyan ang kapalaran ng mga nakatuon sa tunay na pagbabago, imbes na sa mga photo-op at paglalagay ng mukha at pangalan sa novelty items. [Palakpakan] Ang sa akin po: Ang mga magagandang nagawa ay totoong nangyari, maski hindi ibandera ito. At sa pagpili natin, ako nga po, tulad ninyo, hindi ko na kinokonsidera ang mga klarong epal, at taliwas sa tuwid na landas.


Mga Boss, noong una akong nangampanya, kapag nag-iikot ako sa Tarlac, noong ako po’y tumakbo bilang congressman, napakaraming mga lugar na parang walang iniusad mula noong dekada sisenta, noong panahon pang gobernador ang tatay ko. ‘Ka ko, nasaan ang asenso? Bakit ganito? Ito po yata ang epekto ng tinatawag na tradisyonal na pulitika: May mga ginawang pakay ang panatilihing naghihikahos ang mga kababayan natin, para sila ang maging takbuhan—mula pagkain, pagpapagamot, hanggang sa kasal, binyag, o lamay. Ito naman po ang utang na loob na sisingilin nila pagdating ng halalan, upang ipagpatuloy ang paghihirap ng nakararami, at pagyaman ng kakaunti.


Kaya nga po, sa susunod na eleksiyon, sino ba ang dapat suportahan? ‘Yun po bang magpapatuloy ng Daang Matuwid at babali sa sistemang padrino, o ‘yung naghahanap ng paraang bumalik tayo sa siklo ng korupsiyon at kahirapan? Suriin po natin ang mga nagawa ng kandidato; mas maganda pa nga po kung mahaba-haba ang karanasang basehan ng pagsusuri, dahil doon natin makikita ang maraming ebidensiya ng pagiging tapat at mahusay niyang kabalikat sa Daang Matuwid. Malinaw po kung sino sa mga pagpipilian ang tunay at karapat-dapat nating maging susunod na pinuno. At kung mababa man ang kanyang mga numero sa ngayon, ibig sabihin kailangan pa nating paghusayan ang pagpapakilala sa kanya. [Palakpakan] Tinatawag na naman po tayong patunayan na “The Filipino is worth fighting for.” [Palakpakan] Alam po nating lahat: Ang tunay na mahalaga, kailangang paghirapan, kailangang ipaglaban.


Mga Boss, idinudulog ko po sa inyo ngayon: Sa akin pong opinyon, ang nagpakita na ng gilas at ng integridad, ang hinog at handang-handang magpatuloy ng Daang Matuwid: walang iba kundi si Mar Roxas. [Palakpakan]


Magandang araw po. Maraming salamat.




Comments

Popular posts from this blog

How to become an Eat Bulaga Studio Audience

For sure everybody wants to see the "Dabarkads" in person especiall "Bossing" and watch Eat Bulaga Live! How to make reservations for the show? HERE'S THE GUIDELINES FOR EAT BULAGA STUDIO RESERVATIONS: 1. Reservation and entrance is free of charge. 2. Children below seven (7) years old are NOT ALLOWED to enter the studio unless they are contestants or participants of the show. 3. Mobile phones, food and drinks are strictly prohibited in the studio premises and shall be surrendered to the security guards for safekeeping. 4. All studio audience are required to bring at least one (1) valid ID for identification purposes. 5. For further questions, please call 721-2222, 725-7100, 0927-7918828, 0949-6432631 and look for Tonette Aduna or Hyacinth Uri. For more information just visit, Ea Bulaga Official Website. Update from Eat Bulaga FB Page: STUDIO BOOKING AND RESERVATION 1. First come, first served basis po ang aming booking. Magpunta lang po sa Br...

I got a TikTok Viewer Job Offer from Skyrocket Studio Ph- Scam or Not?

Earlier today, I got a message on my Whatsapp and telling me to become a TikTok Viewer with an attractive salary and commission. The message says it's a part-time job and I can work from Home. Legit or not? So I ask the sender who he/she is and how did she manage to get my Whatsapp number. She told me she was from Skyrocket Studio Ph  and she got my number from Whatsapp, Linkedin and/or Telegram. She's not sure actually where she got my number. Then I took to Google and search for the said company and saw a legit website: "We are a fresh, dynamic group of caffeine-fueled individuals inspired to deliver results through smart solutions. We’re an entrepreneurial bunch with expertise in creative technology, digital marketing, content & business strategy, web development, design, and social media." Then the Manager told me to install Telegram and this time I am not sure if  I am chatting with two different people from Whatsapp and Telegram. The so-called manager ask me...

LJ Reyes Hot Momma on FHM Cover

Catch Kapuso sexy actress, LJ Reyes as she looks as Hot Momma on FHM Cover! Photographed by Doc Marlon Pecjo, LJ's FHM double cover photos this February put her in the long list of hot mommas alongside with Jennylyn Mercado, Valerie Concepcion, Andi Eigenmann, etc. "LJ Reyes, Always Pure" claim may be true. But in the cover of FHM latest issue, LJseemed to despise that and go out of her way to prove she's not just local showbiz'pretty face, but also with the body to die for. FHM Philippines Magazine February 2013 issue is now available at all magazine stands and selected bookstores and supermarkets nationwide.

Photo and Video- Marian Rivera on FHM 2014 Victory Party

Catch some of the photos of Kapuso star Marian Rivera, this year's Sexiest Woman in the Philippines during last Wednesday night's FHM Most Sexiest Women 2014 Victory Party held at the World Trade Center in Pasay City.

Gawad Urian- FAMAS Awards 2012 Nominees and Winners

Gawad Urian 2012 Nominees. Full List of Winners will be posted here once it becomes available online. The Manunuri ng Pelikulang Pilipino (MPP), an organization of respected film critics, has just released for the 35th Gawad Urian Awards happening on June 14 (Thursday) at the Cultural Center of the Philippines (CCP) Tanghalang Nicanor Abelardo. Here is the full list of winners the 2012 Gawad Urian Awards: "Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa" was named the biggest winner in the 35th Gawad Urian by the Manunuri ng Pelikulang Pilipino awards night held at the AFP Theater in Camp Aguinaldo, Quezon City last night, June 13. The said indie film took home seven awards including Best Picture, Best Director, Best Actor for Paulo Avelino and Best Supporting Actress for Jean Garcia. Here is the complete list of winners in the 35th Gawad Urian: Best Picture - Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa Best Actress - Maja Salvador (Thelma) Best Actor - Paulo Avelino (Ang Sayaw ng D...

Temptation of Wife Pinoy Remake stars Marian Rivera and Rafael Rosell

Korean Drama 'Temptation of Wife' is going to have a Pinoy Adoptation which will star Marian Rivera and the new Kapuso hunk, Rafael Rosell. Temptation of Wife was a highly watched drama in South Korea broadcast by SBS. It began to air in 2008 and continued through the early quarter of 2009, ending on May 1, 2009. Despite many controversies about the questionable content of the drama, it currently remains to be one of the most highly watched dramas averaging around 30% each day, and the cast winning several awards including the Daesang (Grand Prize) for lead actress Jang Seo Hee at the SBS Drama Awards. According to the report, the powerhouse cast includes Primetime Queen Marian Rivera who will play the lead character of Angeline, newest Kapuso Rafael Rosell will portray the role of Nigel, the man who save and fall in love to the character of Angeline, Alessandra de Rossi as Heidi and Dennis Trillo as Marcel. Before tranferring to GMA7, Rafael Rosell was last see...

April 2015 Electronics Engineer Board Exam Results Released

See the April 2015 Electronics Engineer Board Exam Results. The Professional Regulation Commission (PRC) announces that 892 out of 2,552 passed the Electronics Engineer Licensure Examination and 1,066 out of 1,483 passed the Electronics Technician Licensure Examination given by the Board of Electronics Engineering in the cities of Manila, Baguio, Cebu and Davao this April 2015. The members of the Board of Electronics Engineering are Engr. Alnar L. Detalla, Chairman, Engr. Enrico Claro R. Delmoro and Engr. Herminio J. Orbe, Members. The results were released in three (3) working days after the last day of examinations. Registration for the issuance of Professional Identification Card (ID) and Certificate of Registration will be on April 23, 24 and 27, 2015. Those who will register are required to bring the following: duly accomplished Oath Form or Panunumpa ng Propesyonal, current Community Tax Certificate (cedula), 1 piece passport size picture (colored with white background and comple...

Iglot: Pauleen Luna bilang Vesta

I glot the newest fantaserye on GMA is here. Iglot will start airing on August 29, 2011 on GMA Primetime block. All images courtesy of Iglot fanpage /Kit Sherwin Cruz. "Iglot" will become the reunion project of Kapamilya turned Kapuso stars Claudine Barretto, Jolina Magdangal and Marvin Agustin. Luis Alandy also joins the cast of this fanstaserye which will be under the direction of Gil Tejada. Dala ng inggit ang mapait na pakikitungo.. Iglot: Pauleen Luna bilang Vesta. image and video credit:gma network