GMA Networis expanding in Europe launching International ing UK, France, Germany, Italy, Switzerland, Belgium, Ireland, Denmark, Portugal, Norway, Netherlands, Poland, Spain, Sweden, Austria, and Finland.
Here's GMA News:
Here's GMA News:
Matapos ilunsad ng GMA International ang GMA Pinoy TV, GMA Life TV, at GMA News TV International sa Europe nitong Setyembre ng nakaraang taon, patuloy na dumarami ang lugar kung saan makakapanood ng mga programang Kapuso ang mga Pilipino sa iba't ibang bahagi ng mundo.
Sa pamamagitan ng Lyca TV, isa sa pinakamalaking ethnic content providers sa buong mundo, maaari nang mapanood ang maraming GMA shows hindi lamang sa tahanan kundi maging sa mobile devices.
Ilan sa mga bansa sa Europe na sakop ng paglulunsad ng tatlong international Kapuso channels ang UK, France, Germany, Italy, Switzerland, Belgium, Ireland, Denmark, Portugal, Norway, Netherlands, Poland, Spain, Sweden, Austria, at Finland.
Ayon sa GMA International, laking pasasalamat ng mga Pilipino sa Europe dahil tila napapalapit sila sa kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga lokal na programang maaari na nilang mapanood.
"Our kababayan from London and other parts of Europe will enjoy GMA Pinoy TV international. Good Christmas gift to all GMA fans and subscribers," anang Facebook user na si Rhodora Red Rodriguez Capidaglis.
Dagdag naman ni Cynthia Brosas Hansen, "Ay salamat naman at mapapanood ko na dito sa Norway ang paborito kong station, ang GMA."
Magandang balita naman itinuturing ni Ruby de Gracia ang malawak na pagbabahagi ng GMA content sa Europe, lalo na ngayong nasa Italy siya at malayo sa pamilya.
Bukod sa mga Kapuso programs na mapapanood ngayon, magiging available rin sa mga Pilipino sa buong mundo ang mga bagong programa tulad ng “Wish I May,” “That's My Amboy,” “Hanggang Makita Kang Muli,” “Dear Uge,” “Lip Sync Battle,” at marami pang iba.
Nakatakda namang pumunta ang Kapuso actress at host na si Solenn Heussaff sa UK, Paris, Ireland at Italy sa darating na Pebrero upang magpasaya ng mga Kapuso doon.
Magiging bahagi rin siya ng magaganap na “Handog: Philippine-Paris Ball” sa Club Haussmman, Paris, France, sa February 14, kung saan kinikilala ang mga natatanging Filipino youth, entrepreneurs, community organizations, at businesses.
Comments
Post a Comment