Eat Bulaga once again proved to be a loyal Kapuso after signing contract anew with GMA Network.
“Gusto ko lang sabihin na exactly 21 years ago, binigyan kami ng GMA ng isang tahanan at ‘yun ang naging dahilan para maipagpatuloy namin ang pagbibigay ng tuwa at saya sa aming mga manonood.” - T.A.P.E. big boss Tony Tuviera.
“Gusto ko lang sabihin na exactly 21 years ago, binigyan kami ng GMA ng isang tahanan at ‘yun ang naging dahilan para maipagpatuloy namin ang pagbibigay ng tuwa at saya sa aming mga manonood.” - T.A.P.E. big boss Tony Tuviera.
Breaking News: Hindi raw totoong pumirma ng bagong kontrata ang EB sa GMA-7! NagKODAKAN lang! #ALDUB28thWeeksary pic.twitter.com/LPu5i2sMxk
— Joey de Leon (@AngPoetNyo) January 28, 2016
Full force ang Dabarkads para sa contract renewal ng Eat Bulaga with GMA Network. Maliban sa mga executives mula sa T.A.P.E. Inc. at Kapuso network, present din ang mga hosts sa pangunguna nina Joey de Leon at Tito Sotto.
“We just renewed our contract with GMA 7 at exactly 4 o’clock in the afternoon of the 28th [of January],” ani Joey, isa sa mga pioneers ng naturang longest-running noontime variety show, sa ekslusibong panayam ng GMANetwork.com.
Binigyang-diin din ng Henyo Master ang galak na nadarama dahil sa kanilang panibagong kontrata sa Kapuso network.
“Hindi happy, [we’re] very very happy at kami’y bahagi pa rin at Kapuso pa rin ng GMA Network,” sambit niya.
Biro pa niya, “Ang pinirmahan namin ay another 20 years so siguro naman hindi na kayo uulit.”
Nagpapatawa man, ang pahayag niya ay mas malalim na pahiwatig tungkol sa matagal at matibay na relasyon sa pagitan ng T.A.P.E. Inc. at ng GMA Network.
“Kahit ilan[g taon] ay happy kami to be with [GMA]. Ito na ‘yung longest stay namin in a network. We’ve been in three networks, 9, 2 and 7. Wala na, palagay ko forever [na ito.] Dito totoong may forever,” pahayag ni Joey.
Comments
Post a Comment