Getting your Maynilad Water bill on you mobile is the best way to monitor your bill and paid it instantly with GCash..
Gusto mo bang makuha ang Maynilad bill mo sa iyong phone? I-text lang ang MAYNILAD <SPACE> BILL <SPACE> CONTRACT ACCOUNT NUMBER at i-send sa 0919 1626 000 para makuha ang inyong latest bill. No need to register!
Meanwhile, here are the Dam Water Levels as of September 4, 2023, 5 a.m. as issued by Maynilad.Angat Dam: 202.22 meters mula 198.11 meters noong nakaraang linggo (mas mataas sa minimum operating level na 180 meters)
Ipo Dam: 101.04 meters mula 100.07 meters noong nakaraang linggo (mataas ng bahagya sa maintaining level na 101 meters)
Dala ng mga pag-ulan sa Angat Dam nitong nakalipas na mga araw, unti-unting tumataas ang water elevation sa nasabing dam.
Suspendido pa rin ang scheduled daily water service interruptions sa ilang bahagi ng Caloocan, Malabon, Manila, Navotas, Quezon City at Valenzuela hanggang sa susunod na abiso.
Sa kabila nito, may El Niño pa rin na umiiral sa ating bansa na posibleng maging dahilan upang mabawasan ang mga pag-ulan na makaka-replenish sa nasabing mga dam.
Samantala, target naman ng MWSS ang 210 hanggang 212 meters na water elevation sa Angat Dam sa pagtatapos ng taon.
Kaya naman patuloy pa ring hinihikayat ang lahat na makiisa sa masinop na paggamit ng tubig para ang supply ay lalong mapalawig.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa.
Comments
Post a Comment