Skip to main content

Posts

Showing posts with the label Wagas

Watch The Regine Tolentino and Lander Vera Perez Love Story in 'Wagas'

Watch Watch The Regine Tolentino and Lander Vera Perez Love Story in 'Wagas' starring Bela Padilla and Rodjun Cruz. "Ang pagtitinginang nagsimula sa shooting ng kasal, nauwi sa pag-iibigang wagas at totoong kasalan. Love at first sight ang naramdaman ng baguhan pa lang sa showbiz noon na si Regine Tolentino para sa gwapong kapareha niya sa shooting na si Lander Vera-Perez. Hindi sukat akalain ni Regine na ang napaka-romantikong eksenang ‘yun ay magiging totoo sa buhay nilang dalawa ni Lander pagdating ng araw. Sa darating na Sabado, ilalahad na ng celebrity couple na hinahangaan dahil sa tatag ng kanilang relasyon ang buong kuwento kung paano sila na-inlove at nananatiling inlove sa isa’t-isa sa loob ng napakahabang panahon. Starring Bela Padilla and Rodjun Cruz, tampok ngayong Sabado, August 24, ang exciting at nakakakilig na love story nina Regine Tolentino at Lander Vera Perez sa Wagas!"

Mike Enriquez and wife Baby Love Story in 'Wagas'

Watch Mike Enriquez and wife Baby Love Story in 'Wagas'. Sa ngayon, 36 years nang kasal sina Mike at Baby, ngunit hindi na sila nabiyayaan ng anak. Pinag-usapan na rin daw nila ang pag-aampon, ngunit hindi na ito natuloy: “Busy kami pareho. Busy siya sa career niya, busy ako sa career ko.” Ang nagsisilbi nilang baby ngayon, si Booma, isang poodle: “Napaka-swerteng poodle 'nun. Spoiled na spoiled.” Sa kabila ng mga pagsubok, nanatiling matatag sina Mike at Baby, at ang sikreto raw nila—ang pananatili ng kanilang pagkakaibigan. Ang buong kuwento ng pag-iibigan nina Mike at Baby Enriquez, mapapanood sa Wagas: Mga totoong kuwento sa pag-ibig, Sabado, 7 PM sa GMA News TV.

The Nicole Hyala and Renly Tiñana Love Story in "Wagas"- Video Teaser

Watch The Nicole Hyala and Renly Tiñana Love Story in "Wagas"! Written by Danzen Santos and Directed by: Lem Lorca, stars Alessandra de Rossi, Mark Anthony Fernandez. "Isang sikat na radio DJ at kanyang fan, parehong sawi sa pag-ibig, nagtagpo ang landas at naging magkaibigan. Subalit ang matamis na “friendship” na ibinibigay ng binatang tagahanga, pag-ibig na pala sa tingin at pakiramdam ng dalagang hinahangaan! Posible nga kayang ang tila “rebound” na pagtitinginan ay mauwi sa totoong pag-iibigan? Posible nga kayang ang idol at fan ay magkatuluyan? Sa panulat ni Danzen Santos at direksyon ni Lem Lorca, alamin ang makulay na kuwento ng pag-ibig nina Emy Gaite Aka “Nicole Hyala” at Renly Tinana sa Wagas: Mga totoong kuwento ng pagibig. Tampok sina Ms. Alessandra De Rossi sa papel na Emy at Mark Anthony Fernandez bilang Renly - abangan ito ngayong Sabado, February 23, 7 PM sa GMA News TV." Watch the video teaser, HERE!