Monday, 15 February 2016

Willie Revillame Album under GMA Records Out Soon

Watch out for Willie Revillame Album under GMA Records Out Soon. Meawhile, simula sa February 15, mapapanood na ang ‪Wowowin‬' mula 5:00 P.M. hanggang 6:30 P.M. araw-araw.
Ipinasilip ng Wowowin host and recording artist na si Willie Revillame ang kanyang bagong album under GMA Records sa kanyang programa kahapon (February 11).
“Sabi ko pagbalik ko sa TV na araw-araw, gusto ko nang i-launch ‘yang album na ‘yan. Napakagandang kanta po galing sa puso,” sambit ni Kuya Wil, kasunod ang pag-anunsiyo na mas pinahaba at mas pinaaga na ang oras ng Wowowin araw-araw.
Nando’n Ako ang pamagat ng kanyang album na distributed under GMA Records. Pareho ang pamagat ng carrier single nito na isinulat ni Mr. Vehnee Saturno. Mapakikinggan din sa album ang "Akala Ko" composed by Ogie Alcasid at "Ganyan Ako" composed by Lito Camo.
Kasama rin sa album ni Kuya Wil ang mga kantang "Kanlungan," "Matapos Man ang Kailanman," "Sandal Ka Na," "Salamat Sa Inyo," at ang instrumental version ng "Ikaw Na Nga" bilang bonus track.
Para sa karagdagang updates, manatiling tumutok sa GMANetwork.com!
Wowowin 5pm na!
Excited ka na ba?Eto na ang hiling nyo! mas pinahabang oras!Wowowin, 5pm after Destiny Rose!MAMAYA NA!
Posted by Wowowin on Sunday, 14 February 2016

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites