Sunday, 31 January 2016

Wowowin now a Daily Show on GMA

‪Wowowin‬ is now a daily show! Excited na ba kayo, mga Kapuso? Wowowin will now be telecast from Mondays thru Fridays at 5:30 P.M. just before 24 Oras.
Dahil araw-araw na nga ang palabas ni Kuya Wil, hindi naiwasang itanong kung nakakaramdam ba siya ng kaba pagdating sa ratings ng kanyang programa.
Aniya, “Never akong kinabahan. Bakit ako kakabahan, maganda naman ‘yung programa, maganda naman ‘yung hangarin ng programa.”
“Ang ratings nito hindi naman kailangan mataas. Ang importante rito mahalin ka ng tao, mahalin ‘yung programa kasi sabi nga ng Eat Bulaga, habang may bata, may Eat Bulaga. Hanggang may nalulungkot, may Wowowin,” paliwanag din niya.
Gayunpaman, malakas ang kumpiyansa ni Atty. Gozon sa pagbabalik ng Wowowin sa ere. Wika niya, “I have no doubt na mame-maintain ni Willie ‘yung rating ng program. Napakasipag [niya]. Pinapanood ko ‘yung shows niya kaya alam ko.” 

Isang tulog nalang, mga Kapuso! #Wowowin
Posted by Wowowin on Sunday, 31 January 2016

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites