Saturday, 17 August 2013

Michael V. hospitalized for Dengue

Ace comedian Michael V. is currently in critical condition at Saint Luke’s Medical Center in Quezon City due to dengue.

His friends in showbiz, through their Instagram accounts, asked blood donors with B+ type of blood platelets to help the comedian get well soon.

"Ibinalita ng Kapuso ace commedian na si Michael V., na bumubuti na ang kaniyang kalagayan matapos tamaan ng dengue. Kasabay nito, tinuldukan na rin niya ang mga espekulasyon na lilipat siya ng ibang network.

Sa pamamagitan ng panayam sa telepono sa Startalk nitong Sabado, sinabi ni Bitoy, palayaw ni Michael V., na hinihintay na lamang niya ang ikalawang pagsusuri sa kanyang dugo para matiyak na tumataas na ang bilang ng kanyang platelets.

Matatandaan na humingi ng panalangin at donasyong dugo ang TV host-actor dahil sa pagbaba ng kanyang platelets matapos dapuan ng nakamamatay na sakit na dengue.

Sinabi ni Bitoy sa mga host ng Startalk na sina Joey De Leon, Lolit Solis at Ricky Lo, na lumitaw sa unang pagsusuri sa kanyang dugo na bahagyang tumaas na ang kanyang platelet count.

Sakaling maging positibo ang resulta ng ikalawang pagsusuri sa kanyang dugo, maaaring maging conclusive na magtutuloy-tuloy na ang kanyang paggaling, ayon sa aktor."

"Inamin ng Kapuso comedian na si Michael V. na nakakatanggap din siya ng offers mula sa ABS-CBN at TV5.

Pero hindi gaya ng kanyang dating kasamahan sa Bubble Gang na si Ogie Alcasid, hindi pa raw nakikita ng comedy actor ang sarili na iiwanan ang Kapuso network, na tahanan na niya sa loob ng 18 taon."

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites